Simpleng paraan upang tumaas ang kita ng inyong mga produkto.
- Newgosyo
- Sep 5, 2020
- 3 min read
Updated: Sep 12, 2020
Lahat tayo ay nabubuhay ngayon sa "new normal".
Marami ang nawalan ng hanap buhay o kaya naman ay nabawasan ang kita. Dahil sa pangangailangan, marami sa atin ang nagsimula ng mga konting pagkakakitan o negosyo sa bahay. Mayroong nagluluto, nagbake at kung ano-ano pang mga pagkain na puwedeng ibenta.
Karamihan ay first time mag negosyo o newgosyante kaya naman trial and error ang ginagawa nila sa mga aspekto ng kanilang negosyo. Ginawa ko ang blog na ito upang mabigyan ng kaunting impormasyon ang mga newgosyante at pati na din ang mga may experience na sa pagnenegosyo. Kapag gumagawa tayo ng produkto na pang benta, pinakamahalaga na masigurado natin na tama ang pag compute nang ating costing.
Mahalaga na maging maganda o masarap ang ating mga produkto pero mas mahalaga na maipagbili natin ito kung saan tayo ay kikita ng sapat.
Kaya nga tayo nagnenegosyo upang kumita ng pera diba?
Isang napakadaling tip ang maibabahagi ko sa inyo ngayon upang masigurado na maganda ang kita ng ating mga pinaghihirapang produkto.
Magsimula tayo sa "percent".
Ang karaniwang paraan ng isang newgosyante upang lagyan ng kita ang kanyang produkto ay ang pagpapatong ng peso value.
Halimbaw ang produkto natin ay 50 pesos ang puhunan, karaniwang dadagdagan lamang ito ng 10 pesos at yun na ang kita mo.
Tama ang paraan na ito pero hindi ito angkop para sa lahat ng produkto o paninda.
Ang mas maayos na paraan ay ang pag patong sa presyo ng "percent" kagaya ng 20% na tubo para sa chocolate baked pastillas sushi na ginawa mo.
Kung ang puhunan mo ay 60 pesos at gusto mong patungan ito ng 20%, ang pag compute ay 60x1.2 diba?
Kapag ganito ang ginawa mo, magiging 72 pesos ang kalalabasan ng compute mo sa 20%. 12 pesos ang tutubuin mo kung sa ganitong presyo mo ibebenta.
Ok na yun diba? Hindi pa!
Ito ang karaniwang paraan ng pagcocompute. Hindi naman mali ito pero hindi din ito ang tamang paraan. Bakit kaya?
Para makasiguradong 20% nga ang patong mo sa presyo subukan nating I compute.
72 x .8 (check nating kung 20% nga) = 57.6!
Bakit ganun? Diba dapat 60 pesos din sya kasi 20% ang ipinatong natin dapat kapag inalis natin ang 20%, 60 pa din sya? Edi mababa pala sa 20% ang tubo ko? Oo, ganun na nga. Ito ang madalas na pagkakamali nang nakararami, akala natin malaki ang kikitain natin yun pala nabudol budol natin ang sarili natin sa maling compute. Ngayon ituturo ko sa inyo ang tamang paraan upang siguradong hindi mabibitin ang kikitain nyo. Step 1. Isigaw ang SALAMAT SHOPEE! (joke lang) Step 1. Ito na talaga. Hinga muna ng malalim. 60 ÷ .8 = 75 Icheck natin kung 20% nga: 75 x .8(kunin natin ang 20%) = 60
Boom! Magic! *fireworks* *pew pew pew*
Dika naniniwala? Itry mo sa calculator!
Sundin lang ang guide na ito sa pagcompute ng tamanag presyo:
10% margin = puhunan÷.9
20% margin = puhunan÷.8 30% margin = puhunan÷.7
40% margin = puhunan÷.6
50% margin = puhunan÷.5
60% margin = puhunan÷.4
70% margin = puhunan÷.3
80% margin = puhunan÷.2
25% margin = puhunan÷.75
Gets? Dali lang diba?
Ngayon bakit kailangang gumamit ka pa ng percent sa pag compute ng paninda mo e mas madali naman magpatong na lng ng peso value? Ito ang ilang rason: 1. Mas madali mo macompute kung magkano ang kinita mo.
Ex. 1000 pesos ang total na benta mo, sa 20% ay makikita mo na agad na 200 pesos ang kinita mo. 2. Discount sa wholesale orders.
Kung sakaling magbebenta ka ng wholesale, mas madali mag bigay ng discount. Ex. 30% ang patong mo at gusto mong bigyan ng discount sa mga resellers. Mas madaling magbigay ng 5% o kaya 10% na discount kasi alam mo na agad kung ilang precent ang matitira sa 30% mo. 3. Consistent profit.
Kung mayroon kang sinusunod na percentage sa presyo ng mga produkto mo ay mas makakasigurado ka na kumikita ka ng sapat. Kapag tumaas ang presyo ng materyales ay makakapag adjust ka ng tamang presyo para sa produkto mo. 4. Wala na ako maisip na rason basta itry mo na lang, mas ok yan promise! Napaka simpleng bagay pero malaki ang epekto nito sa ating mga maliit na negosyo.
Sana po ay nakatulong na maliwanagan at nabigyan ng konting aliw ang mga readers nito. Patuloy lang tayo sa mga ginagawa natin kahit maliit ang kita at kahit mahirap, tandaan natin na malalampasan natin ito lahat.
Kung binabasa mo ito ay nagdududa ka sa sarili mo, nandito kaming lahat na nagnenegosyo sa bahay para sabihin sayo na Kaya mo yan!
Kommentare